Humingi ng paumanhin si Indian Prime Minister Narenda Modi sa kaniyang mga kababayan dahil sa ipinatupad nitong lockdown.

Mula kasi na ipinatupad ang lockdown nawalan ng trabaho at nagutom ang nasa 1.3 billion na mamamayan ng India.

Ilang libong migrant labourers din ang napilitang maglakad ng ilang kilometro pauwi sa kanilang mga bahay.

Sinabi nito na labis ang abala na dulot ng coronavirus kaya nararapat na ipatupad nito ang lockdown.

Umaasa naman ito maintindihan siya ng kaniyang mga mamamayan.