BUTUAN CITY – Nakalabas na ng bilangguan ang isang opisyal ng pulisya matapos itong masampahan ng kaso nang mahuling nasa lugar na may nagma-mahjong sa inilunsad na operasyon ng pulisya sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte upang masawata na ang iligal na mga pasugalan.

Kinilala ni Captain Junel Gultiano, officer in charge ng Buenavista Muncipal Police Station, ang nakasuhang opisyal na si M/Sgt George Mahistrado, hepe ng Santiago Municipal Police Station sa Santiago, Agusan del Norte.

Ayon kay Gultiano, kasama si Maestrado sa anim na katao na hinuli dahil nasa premises ito sa mga nag-madjong kung kaya’t kaagad itong sinampahan ng kasong illegal gambling sa pamamagitan ng inquest proceedings.

Ngunit sa ipinalabas na resolution ni Assistant Provincial Prosecutor Joseph Romano sa kautusan ni Provincial Prosecutor Judge Danny Serrano, pinalaya ito dahil sa “lack of merit.“