Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na papalo sa pagitan ng 1.4% hanggang 2.2% ang inflation rate sa buwan ng Oktubre 2025.
Ayon sa BSP, ang pagtaas ng presyo ng bigas, isda, gulay, kuryente, at ang paghina ng piso ang posibleng magdulot ng dagdag na pressure sa halaga ng mga ito.
Gayunpaman, inaasahang makakatulong ang pagbaba ng presyo ng langis, karne, at prutas upang maibsan ang epekto nito.
Ang forecast ay bahagi ng mas malawak na hakbang ng BSP upang mapanatili ang katatagan ng ekonomiya sa gitna ng pabagu-bagong pandaigdigang kalagayan.
Sa mga nakaraang buwan, patuloy ang BSP sa paggamit ng data-driven approach sa pagbuo ng polisiya sa pananalapi.
Mananatili itong mapagmatyag sa mga lokal at international na salik na maaaring makaapekto sa inflation at paglago ng ekonomiya.
















