ILOILO 2 1
-- Advertisements --
ILOILO 3 1

ILOILO CITY – Binawian ng buhay ang isang ina at ang pinagbubuntis nitong sanggol matapos nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Badiangan, Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Badiangan, Iloilo Mayor Serafin Villa, sinabi nitong nakatakda nang manganak ang ina nang na-admit sa ospital.

Ngunit matapos nakitaan ng sintomas ng COVID-19, isinailalim siya sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test at nakumpirmang positibo ito sa virus.

Sinabi ng alkalde na dumalo pa ang ginang sa isang birthday party sa Janiuay, Iloilo bago ito dinala sa ospital.

Ayon sa alkalde, posibleng sa nasabing party ito nahawaan ng ng virus.

-- Advertisement --

Isinailalim na rin sa swab test ang mga natukoy na close contact.

Kaagad namang nailibing ang mag-ina.