Habang tumitindi ang usap-usapan sa posibilidad na si Cardinal Luis Antonio Tagle ang susunod na Santo Papa, hati ang damdamin sa kanyang bayang sinilangan—may ilan na nagdarasal, may ilan na nag-aalala.
Ani Sister Marilena Narvaez, 83, na dating guro ni Tagle, hindi nito ipinagdarasal na maging Santo Papa ang CArdinal dahil natatakot ito sa pulitika sa Roma.
Ngunit para sa karamihan sa Imus, si Tagle ay simbolo ng malasakit. Kilala siya sa kanyang halos dalawang dekadang serbisyo sa mahihirap bilang pari at obispo ng lungsod.
Ayon sa British bookmaker na William Hill, pangalawa si Tagle sa mga paborito para sa pagka-Papa, kasunod ng Italian Cardinal Pietro Parolin.
Sa gitna ng pananabik, nananatiling tahimik ang kanyang pamilya at ang lokal na museo, bilang respeto sa panawagan ng simbahan na iwasan ang “kampanya.” Pero para sa mga taga-Imus, sapat na ang panalangin at alaala ng isang paring laging nasa tabi ng mga naaapi.(report by Bombo Jai)