Tiniyak ng mga Democrats House members na kanilang bibilisan ang impeachment proceedings ni US President Donald Trump.
Sinabi ni House Speaker Nancy Pelosi na baka sa susunod na buwan ay tuluyan ng ma-impeach ang US President.
Isang paraan aniya ay ang pag-iwas sa court battle at ang paglimita ng mga witness sa public hearings.
May inilaan na silang timeline kung saan bago aniya ang pasko ay matatapos na nila ang impeachment.
Ilan sa mga ginawa nilang paraan ay ang pagbawi sa mga subpoena sa mga dating White House officials para matiyak na hindi na maantala ang kanilang court battle.
Simula sa darating na linggo ay isasapubliko na nila ang public hearing kung saan isasalang ang tatlong key witness sa pagtawag ni Trump sa Ukraine president para ipaimbestiga si ex-Vice President Joe Biden.
Target na petsa na para ma-impeach si Trump sa darating na December 16.
Kung sakali mas maaga itong maii-impeach taliwas sa nangyari noon kay dating President Bill Clinton na pinagtibay ng House noong December 19, 1998.