Nagpasalamat ang betaranang singer na si Imelda Papin matapos na isama siya na isa sa mga umawit sa kantang inilabas ng Chinese Embassy para sa partnership ng China at Pilipinas.
Una nang pormal na inilunsad ang awiting “Iisang Dagat” na nilikha ni Chinese Ambassador to the Philippine Huang Xilian.
Kasamang umawit ng Camarines Sur vice-governor na si Papin si Chinese dilplomat Xia Wenxin, Filipino-Chinese singer Jhonvid Bangayan at Chinese actor Yubin.
Sa inilabas na kalatas ng Chinese Embassy Manila IPINAGMALAKI nito naging mahigpit ang pagtutulungan ng dalawang bansa.
Samantala, umani naman nang puna sa mga netizens ang pakikibahagi ni Papin sa produksiyon ng isang bansang mananakop ng isla sa West Philippine Sea.
Naging trending pa ang mang-aawit sa dami ng mga bumatikos.