Interesado umano si Senator-elect Imee Marcos na pamunuan ang Senate ways and means committee.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, nilapitan umano ng chief of staff ni Marcos ang kanyang political officer upang ibapatid ang interes ng senadora na hawakan ang naturang komite.

Habang ang kasalukuyang chairman ng lupon na si Senator Sonny Angara ay tinatarget naman daw na ilagay sa finance committee sa 18th Congress.

Ang finance committee ay hawak ngayon ni outgoing Senator Loren Legarda, na nagwagi naman bilang kinatawan ng Antique nitong May 13 elections.

Sang-ayon sa Senate Rules, saklaw ng committee on ways and means ang lahat ng mga bagay patungkol sa rentas internas, buwis, taripa, at iba pang pinagmumulan at anyo ng renevue.