Pansamantalang isususpendi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang imbestigasyon ng tax returns sa buong bansa para sa Christmas holiday simula sa Biyernes, Disyembre 16 hanggang Enero 8 ng susunod na taon.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., iisyuhan ng suspension order ang revenue officials para bigyan ang taxpayers ng masaya at makabuluhang pagdiriwang ng Pasko.
Magbibigay din ang audit break na ito ng mas maraming oras sa kanilang fieldmen para paghandaan at maisumite ang final assessment reports sa kanilang superiors.
Ito ay bahagi din ng management policy para sa isang desente at tapat na pag-assess at pagkolekta sa deficiency taxes.
Una rito, inatasan ang BIR official ang mga fieldmen na huwag magmadali sa audit work at huwag pagbantaan ang mga taxpayer ng sanctions.
Dahil paliwanag nito na kapag nabigyan ng pagkakataon ang taxpayers ng sapat na panahon para bayaran ang buwis, mas magiging cooperative ang mga ito sa pagtupad sa kanilang obligasyon sa gobyerno.