-- Advertisements --
Pumanaw na si Pinoy film director Mike De Leon sa edad 78.
Kinumpirma ito ng Carlotta Films kung saan nakausap nila ang mga kaanak ni De Leon.
Hindi naman na sila nagbigay pa ng anumang detalye ng kamatayan ng diretor.
Ilan sa mga pinasikat na gawa nito ay ang pelikulang “Kisapmata”, “Batch ’81”, “Sister Stella L” at maraming iba pa.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) matapos malaman ang pagkakasawi ng kilalang director.