-- Advertisements --
Pumanaw na ang aktres na si Jorrybell Agoto sa edad na 31.
Inanunsiyo ito ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang pagpanaw ng “Filipiñana” nitong araw ng Huwebes, Nobyembre 19.
Ayon sa FDCP, na mananatiling nakakatatak sa puso nila ang mga nagawa ng aktre.
Nitong buwan ng Setyembre ng ibinunyag ng mga kaibigan at kaanak ng aktres na ito ay na-confine sa Critical Care Unit dahil sa lymphoma.
Humingi rin ng tulong pinansiyal ang pamilya nito dahil sa taas ng gastusin sa pagamutan.
Hindi pa naglabas ang pamilya nito sa detalye ng burol ng aktres.















