Pinatawan ng $42,500 na multa si Russian tennis star Daniil Medvedev.
Kasunod ito sa naging asal niya at pagwawala sa unang round ng US Open.
Magbabayad ang 29-anyos na tennis player ng $30,000 dahil sa unsportmanlike conduct at $12,500 para sa pagsira ng raketa nito.
Nagsimula ang galit ni Medvedev noong magsi-serve na sana ang nakaharap nito na si Benjamin Bonzi sa New York ng biglang pumasok sa bahagi ng court ang photograher.
Dahil dito ay nagpasya si chair umpire Greg Allensworth na ulitin ang serve ni Bonzi na doon na ikinagalit ni Medvedev.
Pinagsisigawan ni Medvedev ang umpire at doon na siya nagwala.
Pinalabas naman ang photographer at tinanggalan na siya ng credentials dahil sa ginawa nito.
Ang pangyayari ay nagbunsod sa pagkatalo ng Russian tennis player.