Binigyang-diin ni Surigao del Norte 2nd District Representative Ace Barbers na hindi sinophobia at racism ang pakay ng Kamara de Representantes sa isasagawang imbestigasyon kaugnay ng pagdami ng Chinese students sa bansa.
Ayon kay Barbers walang dapat na ipag-alala ang Filipino-Chinese community sa Pilipinas sa isasagawang imbestigasyon ng Kamara dahil patuloy na bukas ang Pilipinas sa mga dayuhan na ligal ang pagpunta sa bansa.
Ang pahayag ni Barbers ay kaugnay ng sinabi ng civic leader na si Teresita Ang See na tinatawag na Sinophobia at racism ang napaulat na pag-iimbestiga sa pagdagsa ng mga Chinese student sa mga lugar kung nasaan ang mga EDCA sites.
Nanindigan naman si Barbers na dapat bantayan mismo ng Chinese community ang kanilang mga kasamahan dahil ilan sa mga ito ay sangkot sa mga iligal na gawain.
Maging si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. ay sinang-ayunan si Barbers at sinabi na lahat ng mga dayuhan ay malugod na tinatanggap ng Pilipinas hangga’t lehitimo ang kanilang layunin sila sa bansa.
Kailangang din aniya malaman ang eksaktong bilang ng mga Chinese national na naka-enroll sa Cagayan magkakaiba ang datos ng ang iba’t ibang ahensya.