CENTRAL MINDANAO – Dalawang improvised exposive device (IED) ang sumabog malapit sa simbahan sa gilid ng isang himpilan ng radyo sa Cotabato City dakong alas-5:58 ng hapon kanina.

Nang magresponde ang Explosive Ordnance Division Team, kusa nilang pinasabog ang dalawa pang bomba.

May naiulat na sugatan na dinala sa pagamutan sa Lungsod ng Cotabato.

Ang mga pagsabog ay naganap kasabay ng misa sa loob ng Immaculate Conception Catheral kaya nagdulot ito ng takot sa mga deboto at parishioners.

Sa ngayon ay kinokordon ng militar at pulisya ang loob at labas ng simbahan pati himpilan ng radyo.

Samantala, dalawa pang bomba ang sumabog sa probinsya ng Cotabato dakong alas-6:15 naman ng gabi.

Sumabog ang unang bomba malapit sa municipal hall at sinundan dakong alas-7:05 malapit sa tulay ng Libungan, North Cotabato.

Lima ang naiulat na sugatan na naisugod sa pagamutan sa Libungan.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa mga pagsabog sa Cotabato City at Libungan, Cotabato.