CJ PEREZ
CJ Perez/ IG post

Nagtulong-tulong ang mga manlalaro at koponan ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa mga empleyado na nawalan ng trabaho dahil sa pagkansela ng mga laro dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ilan sa mga ito ay si CJ Perez na nagpasyang magbigay ito ng P25,000 para sa mga game day employees.

Nagbigay naman ng P100,000 si Alaska coach Jeffrey Cariaso bilang tulong sa mga PBA game day personnel na naapektuhan ng game suspension.

Ibibigay naman ni San Miguel Beermen guard Terrence Romeo ang isang buwang sahod para pambili sa mga kakailanganin ng mga medical staff ng iba’t ibang pagamutan sa Metro Manila.