LAOAG CITY – Mas nais na manatili ng mga ilang Overseas Filipino Workers sa Qatar sa kabila ng airstrike ng Israel.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Sheryl Rivera Baybayan mula sa Qatar, ito ay matapos na mahirap makahanap ng magandang trabaho at mababa pa rin ang sahod ng mga manggagawa dito sa bansa.
Sinabi niya na kung mananatili siya sa Pilipinas ng mahabang panahon, wala silang magagawa para matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng kanyang pamilya.
Paliwanag niya, mas mabuting makipagsapalaran siya sa kanilang sitwasyon sa Qatar kaysa umuwi sa bansa na wala namang inaasahang tutulong sa kanila.
Sinabi ni Baybayan na maraming tao ang nagpa-panic na lumabas ng kanilang mga tahanan upang bumili ng kanilang mga pangunahing bilihin.
Gayunpaman, iginiit niya na business as usual o normal pa rin ang kapaligiran dahil hindi pa rin kinakansela ng gobyerno ang pagpasok sa mga paaralan o opisina sa Qatar.
Dagdag pa niya, sa limang taon niyang pagsisilbi bilang Overseas Filipino Worker, ito ang pinakamalakas na airstrike ng Israel na naramdaman niya.
Nauna rito, ilang indibidwal ang namatay at nasugatan sa airstrike ng Israel sa Qatar.