Lalo pang lumakas dawa ng pangamba ngayon ng mga teams sa NBA makaraang mapaulat na ilang mga players ang muli na namang kinapitan ng coronavirus sa ikalawang pagkakataon.

Tumanggi namang ibulgar sa publiko ng liga kung sino-sinong mga players ang nagkaroon ng “reinfection.”

Sinasabing sa nakalipas daw na siyam na buwan ilang teams na ang napaulat merong mahigit 10 players na nagkaroon ng COVID-19.

Sa ngayon umabot na sa limang mga games ang na-postpose sa NBA at kamakailan naman ay inilagay sa quarantine ang dati na ring nagpositibo sa COVID ang mga superstars na sina Kevin Durant ng Brooklyn at si Bam Adebayo ng Miami Heat.

Samantala lalo pang naghigpit ang NBA bunsod ng dumaraming nahahawa sa mga players.

Ipinagbawal na rin ngayon sa mga hotel o tinutuluyan ng mga teams ang mga bisita maging ang malalapit nilang pamilya.