Target ng ilang PBA players na makalikom ng pondo para makatulong ngayong panahon ng community lockdown dahil sa banta ng coronavirus.

Sinabi ni Magnolia player Marc Pingris, nais niyang makalikom ng hanggang P1-million para maitulong sa UP Medical Foundation.

Sa pamamagitan aniya ng “Lockdown Games” inanyayahan niya ang mga mahilig sa online games sa bansa na sumali.

Lahat aniya ng mga fans ng Marvel Super War, Call of Duty Mobile at DOTA2 ay makakatulong sa mga health workers.

Hindi aniya hadlang ang pagiging nasa loob ng bahay dahil may paraan sila para makatulong.

Kasama ang kapwa PBA players na sina Kiefer Ravena, June Mar Fajardo at Japeth Aguilar ay nais nilang mag-stream ng DOTA2 showmatch sa Abril 6.