-- Advertisements --
Posibleng hindi mapasama sa mga practices ng ilang koponan sa PBA ang kanilang coaches.
Ito ay kapag pinayagan na sila ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) para sa posibleng pagbabalik ng mga laro.
Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial , na may ilang mga coaches kasi ng PBA ang senior citizen na kung saan sila ay itinuturing na mapanganib na makapitan ng coronavirus.
Magugunitang noong Marso 11 ay kinansela ng PBA ang mga laro dahil sa coronavirus pandemic at inaasahan na agad na makabalik ngayong buwan ng Hunyo.