-- Advertisements --

Gumawa ng iba’t-ibang diskarte ang mga nakaligtas na pasahero mula sa pagtaas ng tubig na pumasok sa sinakyang nilang train sa railway tunnels ng China.

Mahigit 500 katao ang nailigtas sa mula sa tunnels ng Henan province dahil sa pagbaha.

Ang ilang araw na walang tigil na pag-ulan ang nagdulot sa paglikas ng nasa 200,000 residente dahil na rin sa pag-apaw ng mga ilog.

Sa nasabing pagpasok ng tubig sa railway tunnels ay nasa 12 katao na ang nasawi.

Sa kabuuan ay pumalo na sa 25 katao ang nasawi sa malawakang pagbaha sa Henan Province.

Kuwento ng mga nakaligtas mula sa pagbaha sa train tunnel ay tumuntong sila sa mga upuan at itinaas ang kanilang ulo para hindi sila mawalan ng hangin.

Dahil sa insidente ay maraming flights din at biyahe ng train sa Henan ang nasuspendi.