-- Advertisements --

Alpha Phi Omega SACIPAA at Alpha Phi Omega Binalatongan matagumpay na nagbigay ng libreng gatas sa Jose Macam Pangingbatan SR. Elementary School ( JMPES ) sa Barangay San Juan San Carlos City Pangasinan.

Ito ay sinuportahan at ginabayan ng mga guro sa nasabing paaralan sa pangunguna ng kanilang Principal na si Teacher Joanna Liezel A. Castro- EdD- Principal ng nasabing Paaralan.

Ito ay Pinangunahan ng Past National President ng Alpha Phi Omega Philippines Incorpprated na si Roel Daboy Fernandez kasama ang mga membro ng APO San Carlos City Pangasinan Alumni Association na sina Teacher Rebecca A. Gabriel- Teacher Myra Joy Lopez- lahat membro ng nasabing Assosasyon.

Ang pamimigay ng libreng gatas na Reliv NOW milk ay bahagi ng programa ng APO-San Carlos City Alumni Association na tinatawag nilang APO-Health Care Program.

Ito ay ang pamimigay ng libreng gatas sa mga qualipikadong studyante buwan-buwan sa mga skwelahan ng San Carlos City

Ang libreng Reliv NOW milk ay nagmumula sa Reliv Kalogris Foundation na sa pamamagitan ni Marlon Pantat De Guzman na isa din membro ng ALPHA PHI OMEGA at derektang nakikipag ugnayan sa Foundation ay nakaka-kuha ang mga qualipikadong studyante ng bawat paaralan.

Ginagawa naman ito ng APO dahil bahagi ito ng kanilang adhikain sa loob ng kanilang kapatiran na maglingkod sa kapwa sa abot ng kanilang makakaya ng walang hinhiling na kapalit kaninoman.