-- Advertisements --
Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tropical cyclone wind signal number 1 sa ilang bayan ng Isabela at Aurora dahil sa bagyong Karding.
Base sa pagtaya ng PAGASA na napanatili ng bagyong karding ang lakas nito.
Nakita ang sentro nito sa may 895 kilometers ng east ng Northern Luzon ma mayroong taglay na hangin ng 75 kilometers per hour at pagbugso ng 90 kph.
Ilang mga lugar na nasa signal number 1 ay ang Divilacan, Palanan, Dinapigue, Maconacon, San Mariano, Ilagan City ng Isabela at Casiguran, Dilasag at Dinalungan sa Aurora.
Inaasahan na aalis sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa araw ng Lunes.
Makakaranas naman ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon.