-- Advertisements --
Drew Arellano
drew / IG post

Nakalikom ng pondo sa pamamagitan ng pagbenta ng kanilang mga personal na gamit ang ilang mga local celebrities para sa pagtulong sa mga naapektuhan ng coronavirus.

Sa tulong ni Drew Arellano, ibinenta nina Jericho Rosales at Matteo Guidecilli ang mga personal na gamit nila.

Ilan sa mga dito ay ang mga jackets, pantalon, sumbrero at motorcycle helmets.

Umabot sa P73,800 ang nalikom ni Jericho Rosales at ang halaga ay mapupunta sa 1,500 na mga displaced film workers.

Habang mayroong P17,800 naman ang nalikom ni Matteo na mapupunta sa Puso Kitchen na siyang magbibigay ng pagkain sa mga residente ng Barangay Calawis sa Antipolo.

Ilang celebrities naman ang nagpa-subasta ng kanilang mga gamit sa Vestido Manila.

Kabilang dito ay sina Pia Wurtzbach, Marian Rivera, Judy Ann Santos, Steph Kienle-Gonzales at Pam Quinones.

Mapupunta rin ang nasabing mga pinagbentahan sa auction sa mga frontliners at mga naapektuhan ng kanilang mga ktia mula ng ipatupad ang lockdown dahil sa coronavirus pandemic.