-- Advertisements --

Tinitingnan ng House Prosecution ang 19 na foreign trips ni Vice President Sara Duterte na umabot umano sa 91 araw sa nakalipas na dalawang taon bilang bahagi ng ebidensya sa article IIi ng impeachment case tungkol sa umano’y unexplained wealth.

Ayon kay House Prosecutor Terry Ridon, kabilang sa sinusuri ang mga non-official foreign travels ng Bise Presidente at kung paano ito maihahambing sa kanyang lehitimong kita.

Giit ni Ridon, kailangang pagbanggain ang mga gastusin o biyahe sa iniulat na lehitimong kita ni Duterte na nasa humigit-kumulang P4.2 milyon.

Posible rin umanong magharap ang prosekusyon ng mga testigo mula sa Office of the President at Department of Foreign Affairs upang magbigay ng impormasyon kaugnay ng mga naturang biyahe.