-- Advertisements --

Nagsimula na ang ilang mga establisyemento sa bansa na magbigay ng mga diskuwento at ibang mga gimmick para sa mga mamamayan na naturukan na ng COVID-19 vaccine.

Sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na ito ang naging kasunduan nila ng iba’t ibang negosyante sa bansa para mas lalong makahikayat ng mas maraming residente na magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19.

Dagdag pa nito na mayroong mahigit 1,000 mga establisyemento ang nagbibigay na ng diskuwento at freebies sa mga naturukan na ng bakuna.

Umapela rin ang mga restaurant owners na kung maaari ay payagan ng makakain sa labas ang mga senior citizens na nauna ng nabakunahan laban sa COVID-19.

Bukod sa mga food discount magbibigay din ng mga diskuwento ang mga gasoline stations.

Magugunitang sinang-ayunan ng Department of Health ang nasabing panukala para mas lalong dumami pa ang mahikayat na magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19.