-- Advertisements --

Suportado ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang pag-isyu ng warrant of arrest laban kay dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng flood control controversy.

Sinabi ni Lacson na ang pag-aresto kay Romualdez ay patunay na kumikilos ang administrasyon sa pagharap sa kontrobersiya sa mga flood-control project.

Ayon kay senador, dapat nang mapatigil ang mga batikos laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na umano’y mahina ang pamumuno at kulang sa determinasyon sa isyu ng flood-control projects.

Pinuri rin ni Lacson ang Office of the Ombudsman sa pagsasagawa ng imbestigasyon at hinikayat ang publiko na suportahan ang institusyon.

“Let the trial proceed and let the evidence speak,” ani Lacson, kasunod ng pag-isyu ng warrant of arrest laban kay Romualdez.

Binigyang-diin niya na pinakamahalaga, nabibigyan ngayon ng pagkakataon ang dating Speaker na harapin ang mga paratang laban sa kanya sa korte at ipagtanggol ang kanyang sarili alinsunod sa due process.