-- Advertisements --

Winasak ng militar ng Israel ang underground infrastructure ng Hezbollah sa Ali al-Taher ridge sa timog Lebanon upang mas palakasin ang itinuturing nitong security zone sa lugar.

Sa isang pahayag nina Prime Minister Benjamin Netanyahu at Defence Minister Israel Katz, sinabi nilang mananatili ang pwersa ng Israel sa rehiyon upang pigilan ang muling pagtatag at pagpapalakas ng grupong Hezbollah.

Ayon sa militar ng Israel, nakontrol nila ang higit dalawang kilometrong haba ng mga lagusan kung saan nakatago ang mga rocket, missile, drone, at iba pang kagamitang pandidigma ng Badr unit ng Hezbollah.

Naramdaman ang malakas na pagsabog sa rehiyon ng Nabatieh habang nagpatuloy ang mga operasyon sa kabila ng kasunduang ceasefire noong Hunyo.

Nananatiling nakabitin ang kasunduan dahil sa pagtanggi ng Hezbollah na isuko ang kanilang mga armas, habang ayaw namang umalis ng Israel hangga’t hindi nadidiskarmahan ang grupo.

Bumuo rin ang Israel ng mga estratehikong posisyon sa timog Lebanon mula noong 2023 upang magsilbing buffer zone laban sa mga banta ng Hezbollah.