-- Advertisements --
Kinumpirma ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Rear Adm. Jay Tarriela na nag-operate ng 25 araw ang Chinese survey vessel sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Sinabi nito na ang Haiyang Dizhi Shihao ay nagsasagaw ng marine scientific research.
Maging ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay kinumpirma na wala silang naibigay na permit.
Giit ni Tarriela na malinaw na iligal ang ginawa na ito ng Chinese survey vessel.
Mula pa noong Agosto 10 ay nasa EEZ na ang 76-metro na barko at ito ay nasa 22-kilometer territorial sea sa kapaligiran ng Panatag Shoal.
Ang nasabing barko ay may kakayahan na magbutas sa ilalim ng dagat at hindi ito basta ordinaryong research vessels.
















