-- Advertisements --
Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry ang petisyon ng ilang kumpanya ng taas presyo sa iba’t-ibang produkto.
Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na mayroong 14 manufacturers ang naghain para sa pagtaas presyo ng 43 na produkto.
Ilan sa mga idinadaing nila kasi ay ang pagtaas umano ng mga packaging materials at ang transportation cost.
Laman ng petisyon ay ang pagtaas ng mula P0.10 hanggang P7 sa mga food products habang ang mga non-food items naman ay mula P1.50 hanggang P9.75.
Pagtitiyak nito na kanilang ibeberipika ang nasabing mga rason ng mga manufacturers.
Sa ngayon aniya ay mananatili pa rin ang presyo hanggang maglabas ang kanilang opisina ng bagong listahan ng Suggested Retail Prices.