-- Advertisements --
Muling binaha ang ilang bahagi ng Metro Manila dahil sa tuloy-tuloy na buhos ng ulan.
Dulot umano ito ng hanging habagat na pinaigting ng nagdaang bagyong Goring at bagyong Hanna.
Sa España Blvd. at De La Fuente sa Maynila ay nagkaroon ng hanggang gutter na tubig baha.
Ganun din ang naranasan sa Roxas Blvd., Pedro Gil, United Nations at Taft Avenue.
Sa Makati City naman ay hanggang kalahati ng regular na gulong ang taas ng tubig, partikular na sa EDSA – Magallanes service road south bound.
Habang sa Andrews Ave. at Tramo naman sa Pasay City ay hanggang gutter naman ang lalim ng naranasang baha.