-- Advertisements --
Nagpahayag ng pagkabahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang komunidad sa Mindanao na tumatangging magpaturok ng COVID-19 vaccines.
Sa kaniyang talk to the people nitong Lunes ng gabi sinabi nito na karamihan aniya sa mga ito ay mga hindi pinapayagang magpabakuna dahil na rin sa kanilang paniniwala o sa kanilang relihiyon.
Isinagawa nito ang pahayag matapos na malaman niya na maraming mga pasahero ang naantala ang biyahe sa barko dahil sa ipinapatupad na “No Vax, No Ride” policy.
Patuloy din ang panawagan ng pangulo sa mga mamamayan ang kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa COVID-19.