Inatasan ng International Criminal Court (ICC) Appeals Chamber ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na magsumite ng public o redacted version ng kanyang Appeal Brief on Interim Release sa Oktubre 29, 2025.
Batay sa kautusang inilabas noong Oktubre 27, inatasan din ng mga hukom ng Appeals Chamber ang Prosecutor at ang Office of Public Counsel for Victims (OPCV) na magsumite ng kani-kanilang bersyon sa Oktubre 31.
Ang utos ay alinsunod sa Regulation 23 ng ICC na nagtatakda ng transparency at tamang paghawak ng mga dokumentong may sensitibong nilalaman.
Matatandaang tinanggihan ng ICC Pre-Trial Chamber I ang kahilingan ni Duterte para sa pansamantalang paglaya noong Setyembre 26. Inapela ito ng kanyang panig noong Oktubre 14, at sumagot naman ang prosekusyon at mga biktima noong Oktubre 21. (Report by Bombo Jai)















