-- Advertisements --

Nahaharap ngayon sina former President Rodrigo Roa Duterte at Senador Bong Go sa patung-patong na mga reklamo sa Office of the Ombudsman.

Personal na nagtungo si fomer Senator Antonio Trillanes IV sa tanggapan ng Ombudsman upang ihain ang mga reklamong may kinalaman sa katiwalian at korapsyon laban sa nabanggit na mga indibidwal. 

Kanyang inirereklamo sina Duterte at Go sa paglabag ng Plunder Law sa ilalim ng Republic Act No. 7080, Anti-Graft and Corrupt Practices Act ng RA No. 3019 at Code of Conduct for Public Officials ng RA No. 6713.

Ayon kay former Senator Trillanes, nag-ugat ang reklamo sa sinasabing paggawad ng mga infrastructure projects nina Sen. Bong Go at former President Rodrigo Roa Duterte sa kumpanyang pagmamay-ari umano ng tatay ng senador. 

Tinatayang aabot umano sa halos 7-bilyon piso halaga ng mga proyekto ang naaward sa naturang kumpanya o ang CLTG Builders na kanyang inirereklamo sa Ombudsman.

Alinsunod rito’y ibinahagi ni former Senator Trillanes IV na nakapaloob o kabilang sa reklamo ang mga pyektong na-award simula noong alkalde pa si Duterte hanggang sa ito’y maging presidente.

Habang ipilawanag din ng naturang complainant kung papaano naimpluwensyahan ni Sen. Bong Go ang paggawad pa ng mga proyekto sa taong kasalukuyan.

Dagdag pa rito’y ibinunyag ni Trillanes na nasa 200-kontrata ang ‘involved’ rito na siyang gamit na matibay na batayan bilang ebidensya. 

Walang alinlangan inihayag ni former Senator Antonio Trillanes IV na ang itinuturing ‘main plunderer’ sa reklamong inihain niya sa Office of the Ombudsman ay si Sen. Bong Go.

Kanyang sinabi na si Go ang ‘central figure’ sa tatay at kapatid niya nagmamay-ari umano ng CLTG Builders nakakuha ng nasa 7-bilyon Piso halaga ng infrastructure projects.

Dagdag pa niya’y ang posisyon ni Sen. Bong Go lalo na nitong nakaraang administrasyon Duterte ang siyang nagbigay daan para maisagawa ang paggawad ng bilyun-bilyon halaga ng mga proyekto.