duterte Xi Jinping china

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tuloy si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-limang biyahe sa China sa darating na Agosto 28 hanggang Setyembre 1.

Ang biyahe ni Pangulong Duterte ay kasunod na rin sa imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping na kung saan ay magkakaroon ng bilateral meeting ang dalawang lider.

Pero sinabi ni Chief of Presidential Protocol Robert Borje, wala namang naka-schedule na one-on-one meeting sina Pangulong Duterte at ng kanyang counterpart.

Sa nasabing pagpupulong nina Pangulong Duterte at Xi, inaasahan ding ilang kasunduan at memorandum of understanding (MOU) ang lalagdaan.

Ayon kay DFA Assistant Secretary Meynardo Montealegre, kabilang sa mga kasunduan ay may kinalaman sa education, science and technology, economic at social development.

Inaasang matatalakay sa pulong nina Pangulong Duterte at Xi ang pagpapalakas pa ng functional cooperation at mutual interest ng Pilipinas at ng China.