Sumalang na ang ilang kandidato sa pagkaposisyon bilang Associate Justice ng Korte Suprema sa pagsisimula ng public interview ng Judicial and Bar Council.
Unang humarap sa malalimang pakikipanayam ng Judicial and Bar Council (JBC) ay si Justice Nina G. Antonio-Valenzuela.
Siya ay kabilang sa mga aplikante na may karanasan bilang Associate Justice ng Court of Appeals sa loob ng labing limang (15) taon habang lagpas tatlong (3) dekada naman sa kanyang judicial background.
Tinanong siya ng mga miyembro ng panelists o JBC nitong umaga na sina Justice Erlinda P. Uy, Atty. Nesauro H. Firme, Former Justice Jose Catral Mendoza.
Samantala, kabilang rin sa mga nagtanong o umusisa sa mga kandidato bilang Supreme Court Associate Justice ay ang kalihim ng Department of Justice na si Sec. Jesus Crispin Remulla.
Sa kanilang naging ‘interview’ sa unang aplikanteng si Justice Nina Antonio-Valenzuela, makailang ulit na nabanggit ang mga patungkol sa iba’t ibang uri ng ‘legal remedies’ na maaring hilingin ng isang indibidwal.
Pati ang kanyang judicial philosopohy at pinakamahirap na desisyong ginawa o pressure sa kanyang karanasan ay kasama rin sa mga inalam.
Sumunod namang isinalang ay si Associate Justice Ramon M. Bato Jr. na kasalukuyang humaharap sa mga nabanggit na miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC).
Nakatakda sa susunod pang mga araw na ma-interview ng JBC ang ilan pang kandidato na aplikante sa pagka-Associte Justice ng Korte Suprema.
Isinagawa ang naturang public interview upang tumanggap ng mga aplikante na papalit kay Vice Associate Justice Mario V. Lopez sa kanyang iiwanang posisyon.
Mababakante kasi nito ang kanyang posisyon kasunod ng nakatakdang ‘compulsory retirement’ sa susunod na buwan ng Hunyo 4, 2025.