hotels inns baguio
-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Binigyan na ng Department of Tourism (DOT)-Cordillera ng Certificate of Authority to Operate ang ilang accommodation establishments o hotels sa Baguio City matapos makapasa ang mga ito sa mahigpit na inspeksyon ng ahensya.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay DOT-Cordillera regional director Jovi Ganongan, kabuuang 15 hotels at inns sa Baguio ang nag-apply para sa nasabing sertipikasyon upang makapagbukas sila kahit 50 percent capacity lamang.

Pinuri naman niya ang naobserbahang kahandaan at pagsunod ng mga hotel sa mga requirement, qualifications at prescribed standards, para sa kanilang limited operation na nakasaad sa operational guidelines sa ilalim ng modified general community quarantine bilang paghahanda sa “new normal.”

Dinagdag niya na kailangan ding nilang makasiguro na lahat ng mga accommodation establishments sa Baguio ay tumutupad sa lahat ng mga alituntunin para maprotektahan ang mga empleyado at magiging kliyente ng mga ito laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Batay sa operational guidelines, kailangang kumuha ang mga accommodation establishments ng Certificate of Authority to Operate mula DOT para sa pagpapatuloy ng 50% capacity ng kanilang operasyon.

-- Advertisement --

Gayunman, sinabi ni Ganongan na dahil sarado pa ang Baguio sa mga turista ay pinag-aaralan nila ang pag-alok ng mga package gaya ng staycation sa mga local residents ng lungsod para mahikayat ang mga ito na mag-checkin sa mga hotel.

Layunin nito na hindi mamamatay ang pagnenegosyo ng mga accommodation establishments na malaking tulong din sa ekonomiya ng Baguio.