-- Advertisements --

Nababahala na si National Task Force against COVID-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr. sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Mindanao at ibang bahagi ng Luzon.

Sinabi ni Sec. Galvez, may nangyayaring outbreak ngayon sa Sabah, Malaysia kung kaya kailangan na proteksyunan ang Tawi-Tawi.

Ayon kay Sec. Galvez, tumawag na rin umano si Sen. Migz Zubiri para magpatulong dahil tumataas na rin ang kaso ng COVID-19 sa Bukidnon.

Maliban dito, tumataas na rin umano ang kaso sa Ilagan, City sa Isabela kung kaya isinailalim na ito sa enhanced community quarantine (ECQ).

Inihayag ni Sec. Galvez na tumaas din ang COVID-19 cases sa Baguio City sa nakalipas na dalawang linggo maging na sa La Union, Pangasinan, Laguna, Leyte at Negros Occidental.

Kaugnay nito, nakatakda umanong magpunta ang ilang miyembro ng gabinete sa mga nabanggit na lugar para tyulungan ang mga sangkot na local government units (LGUs).