ILOILO CITY – Mahigpit na ipinapatupad ng ilang bus company sa Western Visayas ang social distancing sa pagbayhe bilang precautionary measures laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Generoso Gayanilo, dispatcher ng Ceres Bus na may byaheng Iloilo-San Jose, Antique, sinabi nito na one-seat-apart policy ang ipinapatupad sa mga pasahero.

Ayon kay Gayanilo, 49 ang passenger capacity ng bus ngunit dahil sa social distancing, 25 na lang ang pasahero per trip.

Inihayag ni Gayanilo na kahit malaki ang bawas sa kanilang kita ngunit kailangan nilang sundin ang utos ng kompanya.

Sa kabila nito, may ilan pa rin na hindi sumusunod sa social distancing dahil wala pang utos mula sa management.