-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nakaranas ng matinding pagbaha ang mga mababang lugar sa probinsya ng Cotabato.

Ang pagbaha ay dulot ng magdamag na malakas na buhos ng ulan dahil sa sama ng panahon.

Unang nagresponde sa mga binahang Barangay sa bayan ng Midsayap Cotabato ay si dating Cotabato Board Member Rolly Sacdalan,ilang rescue group at mga opisyal ng Barangay.

Ang pagbaha sa town proper sa bayan ng Midsayap ay dulot ng mga baradong kanal dahil sa basura.

Malalim rin ang pagbaha sa ilang mga barangay na malapit sa mga kailugan.

Lubog sa baha ang mga kabahayan at mataas na lebel ng tubig.

Sinira ng baha ang mga pananim,mga palaisdaan at mga ari-arian ng mga residente.

Maliban sa Midsayap ay binaha rin ang mga bayan ng Pigcawayan,Alamada,Libungan,Aleosan at Pikit Cotabato.

Nagpaalala naman ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO-Cotabato) sa mga nakatira sa gilid ng ilog at bundok na mag-ingat sa posibling pagragasa ng baha at pagguho ng lupa.