NAGA CITY – Limang bahay ang tinupok ng apoy sa sumiklab na sunog sa Barangay IV, Garchitorena, Camarines Sur.

Kasama sa mga napinsala ang mga bahay nina Ericson Aragdon, Cesar Aragdon Jr., Enrica Aragdon, Emilda Valencia, Ivy Logong at Josephine Fabricante.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Sur Police Provincila Office (CSPPO), nagsimula ang apoy sa bahay ni Ericson na mabilis na kumalat hanggang sa mga katabing bahay na gawa lamang sa light materials.

Mahigit isang oras ang ginugol ng mgfa tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) bago naideklara ang fire out sa lugar.

Samantala, tinataya namang aabot sa halos P150,000 ang halaga ng pinsalang iniwan ng naturang sunog.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing pangyayari.