LA UNION – Posibleng tumagal pa ang nangyayaring kilos-protesta sa iba’t ibang bahagi ng Estados Unidos dahil sa pagkamatay ng isang black American mula sa mga kamay ng police officer.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dominic Viloria na ngayon ay nasa Texas, sinabi nito na nakikialam na rin ang ilang Asian communities sa America sa isinasagawang rally.

Hindi pa rin humuhupa aniya ang protesta at may mga nangyayari din karahasan dahil sa pananamantala ang ilang grupo upang magnakaw o gumawa ng krimen.