Inihayag ni dating House Speaker Martin Romualdez sa kaniyang supplemental counter affidavit na ilan sa 25 dating security aides ni dating Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co ang hinikayat ni Atty. Levito Baligod na sumama sa 18 bodyguards.
Ito ay base sa affidavits of denial at non-participation na inihain ng 25 security aides, kung saan sinabi nilang hinikayat sila ni Baligod na sumama sa 18 bodyguards, na inisyal na binansagang 18 ex-Marines, kapalit umano ng pera a kabila ng kanilang kawalan ng personal na kaalaman sa mga bagay na inihahayag.
Si Baligod ay ang tumatayong abogaado ng dating 18 bodyguards na naging 14 na lamang matapos mag-recant o bawiin ang kanilang naunang mga salaysay.
Nakasaad din sa mga affidavits na walang isinagawang deliveris ang lahat ng 25 security aides sa kabuuan ng kanilang employment hanggang 2025 at 2026 taliwas sa mga alegasyon ng 18 security aides laban kay Romualdez.
Sinabi rin ni Romualdez sa affidavit na isa sa 25 dating security aides na nagngangalang Arnilo Ramirez, na nagpaplano si Baligod na bumuo ng ikalawang batch ng mga testigo kasunod ng 18 bodyguards, kung saan dinala si Ramirez kasama ang iba pa sa isang hotel sa pagitan ng Marso at Abril 2026 para lumagda sa isang nakahanda ng affidavit.
Binanggit din dito ang dalawang magkasalungat na pahayag. Una ang sinabi nina Christopher T. Esquivel, Gil N. Navidad Jr., at Rodante P. Orbillo na may mga partikular na taong sumama o tumulong sa kanila sa paghahatid ng mga maleta. Pangalawa, mariing itinanggi ng mga binanggit nilang tao na may kinalaman sila sa gawaing ito, at sumumpa silang nagsasabi ng totoo.
Matatandaang nitong Huwebes, isinumite ni Romualdez ang supplemental counter affidavit sa Office of the Ombudsman.
















