Kinumpirma ng Manila Economic and Cultural Office na natagpuan na ang bangkat ng natitirang Pilipinong mangingisda na nawala matapos bumigay ang isang tulay sa Taiwan.

Kinilala ito na si Romulo Illustrimo Escalicas Jr.

Kung maalala, dalawang Pinoy din ang namatay sa pagbagsak ng 460-foot long na tulay sa probinsya ng Nanfangao.

Una ng nailigtas ang limang Pilipinong mangingisda mula sa 10 nagtamo ng injuries sa insidente.

Sa ngayon ay nagpapagaling na ang mga Pinoy, gayundin na nabigyan na ang mga ito ng cash assistance ayon sa Department of Foreign Affairs.

Nangako ang MECO na tutulong ito sa repatriation ng mga na-recover na bangkay ng mga Pilipinong manginigsda.