-- Advertisements --
Tinutugis na ng US Coast Guard ang ikatlong oil tanker na nasa international waters malapit sa Venezuela.
Ayon sa isang US official, inilunsad ang active pursuit sa dark fleet vessel na pinatawan ng sanction, na naglalayag umano nang may false flag at nasa ilalim ng judicial seizure order ng Amerika.
Una ng inakusahan ng US ang Venezuela na gumagamit umano ng pera mula sa pagbebenta ng langis para pondohan ang drug-related crime habang tinutulan naman ng Venezuela ang pagkumpiska ng kanilang oil tanker bilang pagnanakaw at pagdukot.
Sa kasalukuyan, nasa dalawang oil tankers na konektado sa Venezuela ang nakumpiska na ng US authorities ngayong Disyembre.
















