-- Advertisements --

Lalo pang lumakas ang bagyong Igme, na ngayon ay isa nang severe tropical storm.

Huling namataan ang sentro ng naturang sama ng panahon sa layong 470 km sa hilaga hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 95 kph at may pagbugsong 115 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pahilaga hilagang silangan sa bilis na 20 kph.

Maaaring ngayong gabi ay makalabas na ito sa Philippine area of responsibility (PAR).

Samantala, hanging habagat naman ang nagdadala ng maulap hanggang sa maulang panahon sa western section ng Luzon.