-- Advertisements --
Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Qatar ang mga Filipinos doon matapos ang pag-atake ng Israel laban sa mga Hamas na nasa Doha.
Ayon sa Embahada na dapat maging kalmado ang mga Filipino at tumugon sa mga abiso ng mga lokal na otoridad doon.
Pinapanatili din nila ang mga Pinoy sa loob lamang at huwag lumabas kung hindi naman importante ang gagawin.
Magugunitang nagsagawa ng airstrike ang Israel sa Qatar bilang pagganti sa naganap na pamamaril sa isang bus station sa Jerusalem na ikinasawi ng anim na katao.