KORONADAL CITY – Pinangangambahan sa ngayon ang pag-abot na sa 100% na ICU utilization rate sa lalawigan ng South Cotabato habang patuloy naman ang pagtaas ng mga kaso.
Ito ay makaraang napabilang din ang lalawigan sa higit 30 mga lugar sa Pilipinas na nasa high risk ng COVID-19 batay sa inilabas na data ng Department of Health (DOH).
Sa nasabing data, kabilang ang probinsya sa may pinakamataas na COVID-19 case growth rates, average daily attack rates (ADAR) at healthcare utilization rates.
Halos lahat naman ng mga COVID-19 referral hospitals sa probinsiya ay nasa full bed capacity na kaya’t gumawa ng paraan ang management ng South Cotabato Provincial Hospital na siyang dinadagsa ng mga pasyente upang makadagdag ng mga isolation units at hospital beds.
Ayon kay Dr. Conrado Brana Jr., SCPH chief of hospital at designated provincial head of all hospitals, kailangan din sa ngayon ang pag-allocate ng pondo sa pagbili ng mga ventilator machines at mga life-saving equipment.
Maliban dito, kailangan din umano na bilisan ang recruitment ng mas maraming nurses at essential workers dahil sa kakulangan nito sa ngayon.
Napag-alaman na kahit nasa mas mahigpit na quarantine restrictions ang lalawigan at may ipinapatupad na mga lockdown ay sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.