-- Advertisements --

Nanawagan si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ng masusing imbestigasyon sa umano’y mga anomalya sa badyet ng DPWH matapos lumabas ang impormasyon na nag-uugnay kina Vice President Sara Duterte, Rep. Paolo “Pulong” Duterte, at Atty. Harry Roque sa mga budget insertion noong 2020.

Ayon kay Tinio, hindi umano maaaring magmalinis si VP Duterte dahil may mga proyekto rin siyang ipinasok sa DPWH noong alkalde pa siya ng Davao City. 

Binanggit din niya ang umano’y ₱51 bilyong alokasyon kay Pulong Duterte na dati nang kinumpirma ng yumaong DPWH Usec. Cabral.

Dagdag pa ni Tinio, maging ang ilang opisyal ng Malacañang tulad nina Roque at Bong Go ay umano’y nakinabang noong panahon ng Duterte administration.

Giit ng mambabatas, nagsimula umano ang malawakang pandarambong sa DPWH budget mula 2016 hanggang 2022, kaya dapat saklawin ng imbestigasyon ang buong panahong ito at papanagutin ang mga sangkot.