-- Advertisements --
Maglalabas pa ngayong araw ng panibagong mga pangalan ng mga lokal na opisyal na sumingit sa pila ng vaccination rollout ang Department of Interior and Local Government (LGU).
Ayon kay DILG Usec. Epimaco Densing III, may mga hawak na silang impormasyon ngunit kailangan itong ma-validate bago ilabas sa publiko.
Agad ring magpapadala ng show cause order ang kanilang tanggapan sa naturang mga opisyal, para mabigyan ng tyansa ang mga ito na magbigay ng paliwanag.
Bukod pa umano ang mga ito sa inisyal na limang mayor na una nang pinasasagot dahil sa pagsingit sa mga babakunahan.