Kumpirmado ng Office of the Vice President (OVP) na natanggap nila ang ipinalabas na Summons mula sa Impeachment Court bandang alas‑10:40 ng umaga ngayong Mayo 20, 2026.
Base sa dokumento, inaatasan si Vice President Sara Duterte na humarap sa impeachment proceedings “upon notice” at binigyan ng sampung (10) araw na palugit upang magsumite ng sagot sa Articles of Impeachment na ipinasa ng Kamara.
Kabilang sa mga artikulo ang umano’y maling paggamit ng confidential funds, hindi maipaliwanag na yaman, pagbibigay umano ng pera kaugnay ng procurement sa DepEd, at pagbabanta sa Pangulo at ilang opisyal ng pamahalaan.
Matatandaang bumoto ang House of Representatives noong Mayo 11, 2026 (257-25) para muling i-impeach si Duterte, at noong Mayo 18 ay opisyal nang nag-convene ang Senado bilang Impeachment Court.
Sa ilalim ng rules, maaaring magsumite ng reply ang prosekusyon sa loob ng limang (5) araw matapos ang sagot ng Bise Presidente.
Nagpahayag naman ang legal team ni Duterte na susunod sila sa proseso at magsusumite ng kaukulang sagot alinsunod sa Konstitusyon.















